Noon nakaraang Lunes, Marso 20, 2023 naganap ang ground breaking ceremony para sa pagpapaganda at pagsasaayus ng Bauang Farmer’s Civic Center. Pinangunhan ng mga municipal officials kasama ang ating napakasipag na Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David, at ni Engr. Gil Lorenzo ng DPWH.
Nagpapasalamat ang Pamahalaang Lokal ng Bauang sa Provincial Government of La Union sa pamumuno ni Gov. Rafy sa pagbibigay ng PHP 60,000,000.00, at sa naging tulay natin kay Senator Sonny Angara na si Magsasaka Partylist Representative Argel Cabatbat. Nagbigay ng Php 20, 000, 000.00 ang opisina ni Sen. Sonny bilang dagdag sa pondo ng proyektong ito.
Ang bagong Farmers Civic center ay magkakaroon ng 1017 seating capacity.