Bumisita si Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr. ng Angeles City kasama ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na si Gng. Edna Duasao para personal na ihatid si nanay Adelaida Maca mula sa Bale Puso Ward ng Angeles City para makasama na ang kanyang anak na si G. Jeffrey Timpiatura ng Payocpoc Sur, Bauang, La Union.
Kasama sina Acting Vice Mayor Bonifacio Kit Malinao, SBM Danilo Abuan at ABC President Virginia Ardina at tauhan ng MSWD sa pamumuno ni Gng. Arlie Alonzo at Municipal Administrator for Operations si G. Wilson Samuel Caluza, lubos ang pasasalamat sa Lokal na Pamahalaan ng Angeles City sa pag-asikaso kay Nanay Adelaida noong siya ay nasa poder nila.
Kinupkop at inalagaan si Nanay Adelaida sa Bale puso ng tatlong buwan mula noong Makita syang palaboy-laboy sa Angeles City. Nakipag-ugnayan ang kagawaran ng Angeles City sa tatlong anak ni Nanay Adelaida at si G. Jeffrey Timpiatura ang pinakamalapit na kanilang nakausap.
“Panahon na rin na ako ang mag-aalaga sa mother ko”. “, ito ang nabanggit ni G. Jeffrey nunoong siya ay nakapanayam sa Mayors Office. Malungkot mang nagpaalam si Nanay Adelaida sa mga taga Angeles City masaya naman sya dahil nakapiling na nya ang kanyang pamilya dito sa Bauang. [MSWD-OMM]
