Bumisita ang mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Madella, Quirino para magsagawa ng kanilang benchmarking activity sa ating bayan.

Kabilang sa kanilang mga binisita ay ang Municipal Health Office, Lying In, Bauang Ligtas COVID-19 Center at RHU 2 sa Barangay Payocpoc Sur, Bauang, La Union.

Nag grape picking din sila sa ating sikat na grape farm.
Isa sa mga layunin ng LGU-Madella ay para makita, at makakuha ng ideya sa mga best practices ng ating bayan na maaari nilang magamit kanilang bayan.

Labis ang kanilang kasiyahan na marami silang natutunan at maaaring dalhin sa kanilang bayan mula sa benchmarking activity na naganap.