Tuloy tuloy ang pagbibigay serbisyo ng LGU Bauang na pinangungunahan ng ating napakasipag na Mayor, Dra. Menchie. Kasama dito ang staff ng Municipal Health Office na pinangunguhana ni Dr. Erwill Nunan.
Nagkaroon ng medical mission sa Cabalayangan ngayong araw. Marami ang nabigyan ng bitamina at iba pang tulong medical. Libreng konsultasyon at mga eyeglasses para sa mga lolo’t lola. Nagkaroon din ng libreng ultrasound para sa mga taga Cabalayangan. Kasama din sa Medical Mission ang Barangay Council & Health Workers ng Barangay Cabalayangan.