Ipinagdiwang ng Lokal na Pamahalaan ng Bauang sa pamumuno ni Mayor Menchie C. Lomboy-de Guzman bilang pagpupugay sa mga sakripisyo ng mga frontline workers noong kasagsagan ng COVID 19. Kabilang ang Barangay Health Workers, Barangay Sanitation Inspector, Barangay Service Point Officer, Barangay Nutrition Scholars at mga Day Care Workers ng Bauang sa dumalo sa unang lingo ng Monday Flag Raising ng Munisipyo.

Ibinahagi ni Mayor na ang XRAY at ultrasound sa RHU ay patuloy na ginagamit ng ating mga kababayan.

Kabilang sa mga mga panauhing pandangal ay sina Provincial Health Officer ng Probinsya ng La Union na si Dr. Eduardo Posadas at ni Development Manager Officer IV Ms. Rose Lulu P. Pagaduan mula sa Kagawaran ng Kalusugan.

Inilahad ni Dr. Posadas ang mga sitwasyong ng Probinsya noong panahon ng pandemya, ang Mandanas Law na kung saan ang ibang mga proyekto at programa ay maililipat na sa LGU, at ang Universal Health Law. Kabilang din sa kanyang ibinahagi ang mga sitwasyon ng mga district hospitals ng ating probinsya na kung saan ang mga mga ito ay maaring madowngrade mula sa district hospital to infirmary hospital dahil sa kakulangan ng pondo.