Nakilahok ang Pamahalaang Bayan ng Bauang sa National Vaccination Program ng National Governement mula November 29 hanggang December 1, 2021. Halos dalawamput isang (21) vaccination sites ang inilaan ng lokal na pamahalan para mabakunahan ang target na 7,900 indibidwal.

Pinangunahan ni Mayor Menchie C. Lomboy de Guzman kasama sina Dr. Erwill Nunan ng RHU at ni Dr. Ronia Aragon ng DOH para sa 3 day National Vaccination Program ng Pilipinas.Pinasalamatan ni Mayor Menchie ang mga nakilahok at makikilahok para mapabilis ang vaccination program dito sa ating bayan.Inaanyayahan ang publiko na makilahok para makamit na nating herd immunity ng ating bayan laban sa COVID-19.

Let’s get the jab done, kailians!