Maliban sa naka-iskedyul at isinasagawang mga swab test sa MDRRMO at RHU, pinupuntahan rin ng Bauang COVID-19 swab team ang mga close contacts ng positive COVID-19 patients, suspect, probable, at person under monitoring na natukoy ng mga contact tracing team. Umulan man o umaraw; sa kabukiran, kabundukan o sa tabi ng dagat; umaga, tanghali o palubog na ang araw, suot ang kanilang PPEs para maprotektahan ang sarili. Di maitatanggi ang sakripisyo para lamang mapuntahan at maisagawa ang swab testing. Ang iba sa kanila ay kailangang magself-isolate at tinitiis na di makapiling ang pamilya, bilang pagsunod sa protocol at upang masiguro ang seguridad at kalusugan ng bawat miyembro ng kanilang pamilya. Dugo, pawis, luha, at gutom ang kanilang iniinda upang makapagbigay serbisyo at tuparin ang kanilang sinumpaan. Ang kanilang pagmamahal sa bayan, dedikasyong maglingkod at makapagbigay ng serbisyo ang kanilang pinanghahawakan upang magpatuloy sa kanilang trabaho.

Saludo ang buong bayan ng Bauang sa ating mga Frontliners, lalo na sa ating BAUANG COVID-19 SWAB TEAM!

Dasal namin ang inyong kalusugan at kaligtasan upang tuloy tuloy ang pagbibigay serbisyo nyo sa ating nasasakupan. (JJB)

Kuhang larawan ng Bauang Covid-19 Swab Team