Lubos na nagpapasalamat ang Lokal na Pamahalaan ng Bauang sa pamumuno ni Mayor  Menchie C. Lomboy-de Guzman, M.D.  sa  probinsya ng La Union na pinamumunuan ni  Governor Francisco  “Pacoy” R. Emmanuel Ortega sa mga food packs na ibinahagi sa anim na barangay na itinaas ang quarantine lockdown base sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ang probinsya ng La Union ay patuloy na tumutugon upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa. Hinihimok ng PLGU ang bawat isa na sumunod sa minimum health standards.

#Strongerlaunion