ASF

Taliwas sa lumalaking pangamba ng ating mga kababayan hinggil sa African Swine Fever (ASF), ang virus, na nakamamatay at mabilis kumalat sa mga baboy ay hindi naman nakapipinsala sa kalusugan ng tao. Ito ang pagtitiyak mula sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan gaya ng Department of Health (DOH), Department of Science and Technology-Philippine Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD), Department of Agriculture (DA), World Organization for Animal Health, at iba pang ahensyang may kinalaman sa kalusugan maging ng hayop at tao.

Dito sa ating Bayan nagpapatuloy ang mga pagmamanman ng Office of the Municipal Agriculturist sa mga kaso ng African Swine Fever (ASF) virus. Nagkaroon ng Information Drive sa mga Barangay para magkaroon nga mga tamang impormasyon  tungkol sa ASF.

Sa kasalukuyan mayroon ng tatlong (3) barangay na positibo sa African Swine Fever ito ay ang Barangay Payocpoc Norte Oeste, Barangay Parian Oeste at Barangay Quinavite.

Samantala, hinihintay pa rin ang mga resulta ng mga blood samples ng iba pang mga barangay na ipinadala sa Department of Agriculture Regional Field Office 1 -Pangasinan Research and Experiment Center, Sta. Barbara, Pangasinan.

Nagkaroon na din ng  culling ang dalawang daan at pitumpu’t limang baboy (275) ayon sa Office of the Municipal Agriculturist. May nakalaan ding tulong mula sa ating munisipyo para sa mga naapektuhang magbababoy.

Pinapayuhan ang mga mamayan na magreport sa kanikanilang barangay kung may mga kahinahinalang kilos ang kanilang mga alagang baboy para maiwasan pa ang pagkalat ng ASF sa ating bayan. Reference/resource: PIA/MAO-Bauang (BMP-JCP)