Ang Bayan ng Bauang ay nagsasagawa ng Infection Control and Prevention Seminar ngayong panahon ng General Community Quarantine (GCQ) dahil sa COVID 19. Ito ay para paalalahanan ang publiko sa tamang paraan para hindi na kumalat pa ang COVID 19 sa bayan.
Nagsimula ang Training noong Mayo 2 na pinangunahan ng mga Hardware stores, Religious Sect, Veterinanry Clinic, Dental Shop, Laundry Shop, Drygoods at Grocery Stores. Sumunod naman ang mga Empleyado ng Bauang ngayong Mayo 4. Isusunod dito ang mga iba pang mga Business Establishments at
mga Barangay Captains.

Kung nais nyong lumahok sa Seminar na ito mag email sa rhubauang@yahoo.com at ilagay na subject ang ICT training at sa katawan ng email ilagay ang pangalan nga participant/representative, Pangalan ng Business Establishment at Contact number. Ang bawat session ay limitado lamang dahil sa pinapatupad na social distancing.