Nagsimula na noong Febrero 24 ang bagong Afternoon Prime Drama na Bilangin sa Bituin sa Langit na ang mga eksena ay kinuhanan sa mga taniman ng ubas sa barangay Urayong. Ito ay pinagbibidahan nina Nora Aunor , Mylene Dizon, Zoren Legaspi Kyline Alcantara at marami pang iba. Mula sa direksyon ng sikat na director na si Laurice Guillen. Ang ating mga ubasan ay naging tampok na rin sa iba’t ibang mga palabas ng ating bansa at mga travel vlogs.